Eye In The Dark [ Prologue]

Ang sanlibutan ay kontrolado ng kadiliman, na siyang dahilan ng pagkaligaw ng kanilang landas.

Matang bulag sa katotohanan, nakatanim sa kanya’y mga kasinungalingan.

Maling paniniwala, maling prinsipyo, at maling pananaw na siyang dahilan ng kaguluhan.

sumusunod sa maling direksiyon, gawin ang mga bagay na sa tingin lang niya’y nakakabuti ito sa kanya.

ipaglalaban ang bagay na siyang hindi dapat ipaglaban, pag-aawayan ang bagay para sa sariling ninanais.

Matang nagbulag-bulagan para lamang sa sariling kaligtasan, matang takot na takot sa kamatayan.

May matang napuno ng galit, na dahilan para siya’y kumitil ng buhay.

Matang nakamasid, tuwang-tuwa sa mga pangyayari. Matang nakamasid na naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.

May mga matang inaalam ang lihim na hindi nararapat mabunyag. Sekretong maging dahilan para mangyari ang ‘di mo
INAASAHAN…

Leave a comment